Maikling Kasaysayan ng Pagkakatatag ng Bayan ng General Nakar
- Sa pamamagitan ng petisyon ng mga mamamayan ng General Nakar sa pangunguna ni Forester Julian A. Avellano, sa tulong ni dating Congressman Fortunato Suares at dating Governador Gregorio Santayan ng lalawigan ng Quezon, ang General Nakar ay naging ganap na bayan sa bisa ng kautusan bilang 246 ng Dating Pangulo ng Pilipinas, Kagalang-galang Elpidio Quirino noong ika 21 ng Hunyo 1949. General Nakar - sa karangalan ng yumaong bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na si General Guillermo Nakar na tubong Brgy. Anoling ng bayang ito.
- Itinalang kauna-unahang Alkalde ng bayang ito si dating Agripino P. Quinto at ang kanyang Bise Alkalde ay si Santiago Nakar. Apat lamang ang itinalang kagawad ng Sangguniang Bayan, sina Adriano Merto, Macario Astrera, Agustin Avellaneda at Eustaquio Sabiduria.
- Bago naging bayan, ang General Nakar ay isa lamang sa mga distrito ng bayan ng Infanta ang “Distrito Pelagio”. Nang ito ay maging isang ganap na bayan ay walong barangay lamang ang bumuo, ang Brgy. Anoling, Banglos, Batangan, Catablingan, Minahan, Magsikap. Maligaya, at Pagsangahan. Subalit patuloy na nadagdagan ang populasyon at sa kasalukuyan ay mayroon itong walumpot dalawang (82) sitio at labing siyam na barangay (19), ang mga barangay ng Anoling, Maligaya, Minahan Norte, Minahan Sur, Pagsangahan, Pisa, Pamplona, San Marcelino, Sablang, Umiray at Poblacion na itinuring na ring isa sa mga barangay.
- Ang baybaying dagat mula sa Brgy. Banglos hanggang sa Brgy. Umiray ay isa sa magagandang tanawin sa bayang ito. Sa panahon ng tag init, ang mga tao ay nag tutungo upang magliwaliw at kumuha ng mga larawan sa lilim ng mga punong aguho at malalaking bato sa tabi ng dagat kung saan nasa likod ay ang luntiang bundok ng Sierra Madre na nakatunghay sa bughaw na karagatang Pasipiko. Ang mga lugar na tabing-dagat ay potensyal upang paunlarin ang pook ng turismo.
- Ang Sitio Masanga sa Brgy. Canaway ay makasaysayang pook sa General Nakar. Ito ang nagsilbing kublihan noon ng First Anderson Batallion Guerilla sa panahon ng pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas na bahagi ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa atas ng US Commander Ng Pacific Area, sa lugar na ito dinaraong ang mga submarinong Amerikano, mga eroplano at barkong pandigma upang maibaba ang mga pagkain, armas, gamot, damit at iba pang suporta para sa kilusang gerilya sa munisipalidad ng General Nakar at mga karatig na lugar.
- Ang bayan ng General Nakar ay isang bayan sa baybaying dagat. May humigit kumulang sa isandaan tatlumpu't apat na libo, tatlong daan at siyamnapung ektarya (134,390 ha). Nang taong 2000, ito ay may kabuuang populasyon dalawampu't tatlong libo at anim na raan pitumpu't walo (23, 678). Pagsasaka at pangingisda ang karaniwang kinabubuhay ng mga mamamayan dito. Isang bayang rural na may malawak na kagubatan at kapatagang bumubuo sa labing-siyam na barangay. Niyog, palay at mais ang produktong matatagpuan sa lugar na ito. Ang kagubatan nito ay malawak at mayaman sa troso, almasiga at uway. Ang baybaying dagat naman ay katatagpuan ng mga bato, graba at buhangin. Gayundin, matatagpuan sa maraming bahagi ng bayan ang mga uri ng mineral tulad ng silica, carbon, gold at copper, puting buhangin at marble. Buhaghag at mataba ang uri ng lupang angkop na angkop para sa pagtatanim ng mga gulay at mga punong namumunga.
- May dalawang uri ng panahong umiiral, tag-init o habagatin at tag-ulan o amihanin. Mararanasan ang tag-init sa mga buwan ng Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto. Ang mga sumusunod na buwan naman ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre, Enero at Pebrero ay panahon ng tag-ulan.
- Nang taong 2002, ang General Nakar ay may kabuuang kita na limandaan, apatnapu't apat na libo at siyamnapu't walong piso (P544,098.00) mula sa lokal na pinagkukunang pondo at limampu't isang milyon, tatlong daan, tatlumpu't limang libo, anim na raan at animnapung piso (51,335,660.00) mula sa Intermal Revenue Allotment o IRA. Karamihan sa mga naninirahan dito ay Tagalog samantalang may mangilan-ngilang Ilokano, Bisaya at Bikolano: Mga mamamayang nagtataglay ng likas na katangian ng pagiging magalang, tahimik at mapapagkatiwalaan.
- Tribong Dumagat ang unang naninirahan sa lugar na ito. Sila ay karaniwang matatagpuan sa mga liblibing kabundukan subalit kung panahon ng tag-init, nagtutungo sila sa tabing-dagat upang mangisda para sa kanilang ikabubuhay. Pagsapit ng tag-ulan, muli silang magbabalik sa kabundukan upang doon umasa sa biyaya ng lupa para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
- Para sa katutubong Dumagat, naglaan ang pamahalaan ng apat (4) na lugar panirahan. Dinigman Settlement sa Brgy. Canaway, Lumutan Settlement sa Brgy. Lumutan, Tamala Settlement sa San Marcelino at Cynthia Village sa Brgy. Umiray. Ang mga ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Local Government Office para sa Southern Cultural Communities (SCC) ng Social Services Development.
- Ang General Nakar ay pinagkaitan noon ng mga modernong uri ng sasakyan para sa transportasyon at mga pasilidad at nahihiwalay sa mga karatig na bayan tulad ng Infanta dahil sa ilog Agos. Ito ay may mga hangganang sumusunod: sa Hilaga ay ang Butas na Bato na naghihiwalay sa probinsya ng Quezon at Aurora at sa kasalukuyan ay may nakabinbing usaping panghangganan. Sa gawing Timog ay ang Tanay, Rizal, habang sa Silangan ay ang Infanta, Quezon at sa Kanluran ay ang Norzagaray, San Miguel at San Ildefonso na pawang mga bayan ng probinsya ng Bulacan.
- Ang mga umukit sa ating kasaysayan ay sina Agripino P. Quinto simula 1949 hanggang 1951, siya ay hinirang. Kasunod nito si dating Catalino T. Ritual mula 1952 hanggang 1955 na inihalal ng mga mamamayan. Ikatlong nahalal si dating Leon S. Ruidera, Sr. noong 1956 hanggang 1964. Ang sumunod na nahalal ay si dating Ildefonso P. Buendicho noong 1964 hanggang 1972. Ang mga naunang apat na namuno sa bayan ay sumakabilang-buhay na samantalang ang ikalimang nahalal na si dating Punong Bayan Abdon R. Cuerdo ay nabubuhay pa sa kasalukuyan na nahalal at nanungkulan simula 1972 hanngang 1986.
- Si dating Punong Bayan Abdon R. Cuerdo ay nahalal na halig punong bayan sa panahon ng panunungkulan ng dating Punong Bayan Ildefonso P. Buendicho, taong 1971 Halalang Lokal sa ilalim ng isang partidong kinasasapian. Nang si dating Punong Bayan Ildefonso P. Buendicho ay igupo ng karamdaman at bawian ng buhay dahil sa biglaang pagtaas ng presyon ng dugo, si Halig Punong Bayan Abdon R. Cuerdo ang pumalit bilang punong bayan sang-ayon sa batas noong Enero 1, 1972.
- Sa simula, ang bayan ng General Nakar ang pang-anim sa uri ng munisipalidad. Sa panahon ng panunungkulan ng dating Punong Bayan Ildefonso P. Buendicho mula 1964 hanggang 1971, ito ay naging panglima, pang-apat at pangatlo sa uri.
- Matapos ang Rebolusyong Edsa noong 1986 at umupo sa kapangyarhan si dating Pangulong Corazon C. Aquino, pinairal ang rebolusyong porma ng pamahalaan. Si dating Punong Bayan Abdon R. Cuerdo ay naalis sa panunungkulan at ipinalit si dating Tranquilino T. Luzano bilang Officer-in-Charge (OIC) ni Aquilino Pimentel na noon ay Ministro ng Pamahalaang Lokal. Noong Enero 25, 1998, siya ay pinalitan sa posisyon ni G. Eugenio B. Pascual, Municipal Government Officer (MGO) ng Ministry of Local Government sa bisa ng Memorandum Circular No. 87-86. Samantala, pagkalipas ng limang (5) araw, isang Arturo dela Cruz, ministro ng Inglesia ni Kristo na nakatalaga sa General Nakar, ang hinirang na Officer-in- Charge (OIC) ni Kee Jaime N. Ferrer, Ministro ng Pamahalaang Lokal noong Disyembre 9, 1987, bilang kapalit ni G. Eugenio B. Pascual.
- Bunga ng Rebolusyong EDSA, nagwakas ang dalawampung taong panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Kasunod nito ay ginanap ang unang Halalang Lokal noong Enero 25, 1988 sa bisa ng niratipikang Saligang Batas sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino. Natapos ang halalan at isang independenteng kandidato sa katauhan ni G. Calixto Ruidera, isang guro na tubong Brgy. Batangan ang nahalal bilang punong bayan at ang kanyang halig punong bayan ay si G. Joselito S. Astoveza at mga Sangguniang Bayan na sina Delia A. Adorado, Bobby A. Portillo, Apolonio F. Saynes, Miguel V. Astejada, Tomasito C. Sol, Cefranio Miras, Miguel P. Anajao Sr., Conchita C. Conchada at Ruperto T. Ruzol bilang pangulo ng Pambayang Katipunan ng mga Barangay.
- Sa halalang ginanap noong Mayo 8, 1995, si Kgg. Hernando P. Avellaneda Sr. ay muling nanalo bilang punong bayan kung saan nalampasan niya ang kalabang kandidato ng dalawang libong boto. Ang kanyang halig punong bayan ay si Kgg. Leovegildo R. Ruzol at mga kagawad ng Sangguniang Bayan na sina Renato A. Astejada, Ruperto T. Ruzol, Guillermo M. Sabiduria, Bobby A. Portillo, Alfredo S. de Loreto, Rizalito T. Astrera, Primo P. Romantico, Ricardo S. Curioso at Apolonio T. Ruzol bilang pangulo ng Pambayang Katipunan ng mga Barangay. Samantala, si Elsa S. Ruzol ay hinalinhan ni Jovy S. Tena sa ginanap na halalan ng Sangguniang Kabataan noong Mayo 1996. At si Kapitan Jovito A. Calzado ang naging bagong pangulo ng Pambayang Katipunan ng mga Barangay noong nakaraang Mayo 1997 Barangay Election.
- Sa Halalang Lokal na ginanap noong ka-11 ng Mayo 1995, si Mayor Hernando P. Avellaneda Sr. at halig punong bayan Kgg. Leovegildo R. Ruzol ay nanatili pa rin sa pwesto. Ang mga nahirang na bagong miyembro ng Sangguniang Bayan ay sina Manuel T. Conchada (LAMMP), Renato A. Astejada (LAKAS), Jose B. Lareza (LP), Diego C. Suaverdez (Independent), Manuel V. Astejada (Independent), Guillermo M. Sabiduria (LAKAS), Primo P. Romantica (LAKAS), Noe M. Fortunado (PDR).
- Batay sa pinaka bagong panuntunan at sa klasipikasyon noong taong 2000, ang General Nakar ay idineklarang “First Class” Munisipalidad. Sa Eleksyong Lokal na ginanap noong ika-14 Mayo 2001, ang halig punong bayan na Kgg. Leovegildo R. Ruzol ay tumakbo bilang punong bayan na may dalawang kalaban na sina G. Jose V. Vargas Jr. at G. Ricardo P. Avellaneda, kapatid ni punong bayan Hernando P. Avellaneda, Sr. Sa huli nanalo si Kgg. Leovegildo R. Ruzol at siyang naging ika-pitong halal na punong bayan. Tatlong baguhan at limang datihang mga kagawad ng Sangguniang Bayan ang nanalo, sila ay sina Rea P. Ruidera (PPC Reporma), Amelyn P. Cuerdo (PPC-reporma), Renato A. Astejada (LP-PPO), Generosa J. Junio (LP-PPC) at Cresenciano D. Gama (Independent). Sa magkasabay na Barangay at Sangguniang Kabataan Election na Ginanap noong ika- 15 ng Oktubre 2002, si kapitan Jovito A. Calzado ay nanalo bilang pangulo ng Pambayang Katipunan ng mga Barangay samantalang ang tagapangulo ng PPSK na si Jovy S. Tena ay pinalitan ni Jose E. Villareal.
- Pinaghanguan ng datus: MPDC OFFICE
- Pagsasalin sa Tagalog: Marso, 2021
- Seksyon ng Turismo, Kultura at Sining